Sa bawat pagpupulong, hindi lamang mahalaga na pag-usapan na panatiliin ang kasiguriduhan ng mga bansa, kundi ipakita na may magiging mabuting epekto ito sa ating kabuhayan at kaunlaran.
Gaya ng ASEAN Summit—ang pagtitipon ng mga pangulo sa Timog-Silangang Asya—nagbubunga ito ng matataas na antas ng pampulitikang pangako, mas pinatibay na mga kasunduan, bagong legal na balangkas, at legal na personalidad.
Noong ika-8 ng Agosto 1967, limang ginoo—ang Deputy Prime Minister ng Malaysia, kasama ang mga Ministro ng Ugnayang Panlabas ng Indonesia, Pilipinas, Singapore, at Thailand—ang nagtipon sa pangunahing bulwagan ng gusali ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas sa Bangkok, Thailand.
Itinatag ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) —Sina Adam Malik ng Indonesia, Narciso R. Ramos ng Pilipinas, Tun Abdul Razak ng Malaysia, S. Rajaratnam ng Singapore, at Thanat Khoman ng Thailand ay kinilala kinalaunan bilang mga Tagapagtatag ng maituturing na pinakamatagumpay na organisasyong inter-gobyerno sa papaunlad na mundo sa kasalukuyan. Ang dokumentong kanilang nilagdaan ay nakilala bilang ASEAN Declaration.
Ang ASEAN Charter ay nagsisilbing matibay na pundasyon sa pagkamit ng ASEAN Community sa pamamagitan ng pagbibigay ng katayuang legal at institusyonal na balangkas para sa ASEAN. Isinasaad din nito ang mga pamantayan, tuntunin, at pagpapahalaga ng ASEAN; nagtatakda ng malinaw na mga layunin para sa ASEAN; at nagtatampok sa pananagutan at pagsunod.
Naganap ang huling araw (Day 3) ng 49th ASEAN Summit and Related Summits noong Martes, Nobyembre 17, 2026, na ginaganap sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay na pinapangunahan ni pangulong Ferdinand Bong Bong Marcos bilang ASEAN chairmanship ngayong taon ng 2026 na may temang “Navigating our future together”
Sa pagpupulong ngayon ng ASEAN Summit, pinaguuspan nila ang mga isyung may epekto sa Southeast Asian Region katulad na lamang ng ekonomiya, kalakalan, siguridid, edukasyon, kalusugan, at climate change.
Ang ASEAN Summit ay hindi lamang usuapan ng mga lider, isa itong pagkakataon para planuhin at patatagin ang kinabukasan ng buong South East Asia.
Katulad na lamang sa isang liriko sa opisyal theme song ng ASEAN, “One vision, one health, one dream. ASEAN we are one, till the end of time.” Ay nagbibigay-diin sa pagkakaisa, kalusugan, at iisang pangarap ng mga bansang kasapi nito. Maaari itong gamiting mabisang panimula sa mga talumpati, sanaysay, o proyekto na nakatuon sa kooperasyon sa Timog-Silangang Asya.

Leave a Reply