PINSALANG DALA NG PAX SILICA

Sa patuloy na paglala ng mga krisis sa Pilipinas, may aksiyon na ba ang gobyerno upang malutas ang mga krisis na ito o mas lalo pa nilang pinupuunan ang mga problema upang mas maghirap pa tayo?
Sa loob ng isang taong mas dumami pa ang mga problemng kinakarap ng Pilipina mula sa Flood Control Projects na hanggang ngayon hindi pa ring nakukulong, ang gyera sa Middle East na naging dahilan sa pagtaas ng presyo ng bilihin at mga langis sa bansa hanggang na pagpapatayo ng Pax Silica (Data Center) bansa.
Ano nga ba ang Pax Silica? Ang Pax-silica isang panukalang proyekto ng mga Amerikano na makakatulong umano sa ekonomiya ng bansa, paano ng aba? Ayon sa U.S. Department of State, ang Pax Silica ay inisyatibo ng nasabing kagawaran para sa artificial intelligence (AI) at supply chain security. Sa kasalukuyan, mahigit dalawampung bansa na ang lumalagda sa naturang proyekto, kasama na ang Pilipinas. Sa pagpirma ng Department of Trade and Industry Undersecretary and Board of Investments (BOI) head Ceferino Rodolfo noong Abril 17, 2026, opisyal na idineklara ang Pilipinas bilang ika-13 bansa na miyembro ng Pax Silica Initiative. Sinasabing ang proyekto ay planong itatayo sa 1,600 ektaryang lupa ng New Clark City sa Tarlac. Ang proyekto ay sinasabing magbibigay ng walang hanggang trabaho umano ang maibibigay nito sa pamamagitan ng teknolohiya, pamumuhunan, at imprastruktura. Kung sa ekonomiya ang pag-uusapan maaaring makatutulong ang Pax Silica sa pagpapaunlad ng mga sistema sa Pilipinas, ngunit paano ag epekto sa kapaligiran. Ang tatayuan ng Pax Silica ay posibleng maging dahilan ng pagkawala ng mga tirahan ng mga katutubong Aeta na nakatira sa New Clark City. Ito rin ay maaaring tawagin na destruction in the environment dahil ang area ay purong kagubatan kung sang namumuhay ang mga native na mga hayup at mga pananim ay mawawala at masisira.
Sinasabing ang Pax Silica ay nangangailangan ng 65,000 hanggang 90,000 metric tons ng tubig kada araw, sapat na patubig para sa mga panananim. Bakit mas tinutuunan ng pansin ng ating bansa ang mga dayuhan sa halip na sa pansariling agrikultarang mga paggawa. Ang ayon sa mga ulat ng mga residente na malapit ang tinitirhan sa data center o Pax Silica, wala na raw suplay ng tubig sa kanilang lugar. Ang gintong pangyayari ay nakakabahala na sa bansa dahil halos 146 billion cubic meters (146 bcm) lang ang tubig ng fresh water sa pilipinas ayon sa mga pananaliksik. Ang pagpapatyo ng Pax silica sa bansa ay magiging dahilan ng kakulangan sa suplay ng tubig at maging dahilan ng pagkagutom. Sana habang tayo ay nasa kadenang hawak ng mga agila, magkaroon ng alab ng puso na makalaya na
