January 24, 2026

Makabagong Inobasyon

597639926_1402969321266991_2882471609292526429_n

Automating Certificates gamit ang Canva, itinuro sa mga guro ng Maloco NHS

Ni: Kate Lyza Jontilano

Sumailalim sa isang Learning Action Cell (LAC) session ang mga guro ng Maloco National High School (MNHS) noong Biyernes ng hapon, Disyembre 12, 2025, upang matutunan ang paggawa ng sertipiko gamit ang Bulk Certificate Generation ng Canva.

Pinangunahan ang sesyon ni Gng. Jessica J. Magpusao, na nagbahagi ng kanyang kaalaman at nagturo kung paano gamitin ang Bulk Create Generation.

DETERMINADO SA PAGLIKHA. Sumailalim sa isang LAC session ang mga guro ng Maloco National High School para pag-aralan ang paggawa ng sertipiko gamit ang Bulk Certification Generation ng Canva sa JHS Computer Laboratory sa Maloco National High School, Maloco, Ibajay, Aklan, Biyernes, Ika-12 ng Disyembre 2025. TLPV

Ang Bulk Create ay isang feature ng Canva na nagbibigay-daan upang makagawa ng maraming sertipiko sa pamamagitan ng pagkonekta ng dataset (CSV file, Google Sheet, o manual editing) sa isang template.

Malaking tulong ito para sa mga guro dahil napapabilis ang proseso ng paggawa ng sertipiko. Hindi na kinakailangan ang mano-manong pag-eencode ng bawat pangalan at detalye, dahil awtomatikong nailalagay ang mga ito sa sertipiko.

Ayon kay Gng. Cyra C. Sitjar, Guro III, isa sa mga kalahok ng nasabing session,”Ang Bulk Create ay makatutulong sa aming mga guro na mas mapadali ang aming paggawa ng sertipiko para sa aming mga mag-aaral. Hindi na namin poproblemahin ang dami ng aming gagawin dahil kaya na itong mapadali gamit ang Bulk Create Generation.”