Carmelle Callado—inanunsyo bilang isa sa mga kalahok sa Philippine Selection Night—ang pambansang pagpili ng Pilipinas para sa Eurovision Song Contest Asia 2026—dala ang awiting “Sobra-Sobra,” na nilikha nina Nica del Rosario at Mat Olavides. Siya ang naging kauna-unahang nagwagi sa kompetisyon, matapos makuha ang pinakamataas na marka mula sa mga hurado at sa botohan ng publiko.

              ubalit, sa bawat likod ng mga medalya at gantimpala sa pagkanta ay nakatago ang mga tahimik na pagsisikap, matinding disiplina, at emosyonal na pagod. Hindi man natin makita, ngunit sa bawat paghawak ng mikropono ay malakas pa higit sa mga sakripisyo.

Si Carmelle Callado ay ipinanganak noong Hulyo 17, 2007. Lumaki siya sa pamilyang puno nang mga manganganta, kasama na ang kaniyang lola na sumali sa mga iba’t ibang kompetisyon.

              Ayon sa kaniyang ina, ang talento niya sa pagkanta ay nagsimula noong tatlong taon gulang palang siya. Kagaya sa kaniyang lola, siya ang lumahok sa iba’t ibang kompetisyon.

              Noong taong 2019 kinilala siya bilang 1st runner up sa kompetisyon ng The Voice Kids bilang sa panngkat ni Bamboo Manalac. Sa parehong taon, nirepresenta niya ang Pilipina sa World Championship of Performing Arts (WCOPA), kung saan nanalo siya ng pitong medalya.

              Taong 2024, nirepresenta niya ang kanyang paaralan na King Thomas Learning Academy sa Tawag ng Tanghalan; School Showdown at nag tagumpay noong Juanuary 2005. Nakakuha siya ng kabuuang average na marka na 98% mula sa hurado.

              Sa huling yugto, isinigawa niya ang kanta ni Aretha Franklin na A Natural Woman, Chain of fools, at Ain’t no way, na kung saan nagtanghal na nagdulot ng standing ovation mula sa mga hurado.

              Nakipagtulungan din siya sa The Voice season 26 winner na si Sofronio Vasquez sa isang bagong rendition ng OPM song na “Maalaala Mo Kaya”, na nagsisilbing theme song para sa ABS-CBN television series na Maalaala Mo Kaya. Noong Oktubre 2025, sumali siya sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0.

              Noong 2025, nakapagtapos siya ng kaniyang pag-aaral sa Senior High School sa King Thomas Learning Academy sa Camariner Sur. Kilala siya bilang isang lider-estudyante, mananayaw, majorette, at taga-awit ng mga salmo sa simbahan.

Sa kasalukuyan, kumukuha siya ng kursong Turismo sa University of Nueva Caceres.

              Ngayon May 2026, nilabas niya ang kanyang kauna-unahang kanta na “Morena”. Ang kaniyang kanta o pop-dance song ay nilikha at prinodyus ni Jonathan Manalo, kasama si Jeremy G and ang mga miyembro ng WRIVE. Sa mga sumunod na taon, nilabas niya ang kanyang self-titled debut album na “Carmelle” na naglalaman ng 11 track—kabilang ang “Morena,” “Salamin,” “Checklist,” “Pananabik,” “Kinang,” “No Apologies,” “Who,” “Pangarap Ko’y Tagumpay,” “Stay,” “Unti-Unti,” at “Morena – Remix.”

Nang taon ding iyon, inanunsyo siya bilang isa sa mga kalahok sa Philippine Selection Night—ang pambansang pagpili ng Pilipinas para sa Eurovision Song Contest Asia 2026—bitbit ang awiting “Sobra-Sobra” na isinulat nina Nica del Rosario at Mat Olavides. Siya ang itinanghal na kauna-unahang kampeon ng kompetisyon matapos makuha ang pinakamataas na puntos mula sa mga hurado at sa boto ng publiko.

Kasalukuyang nasa Pilipinas na si Carmelle Collado para sa kanyang homecoming media tour matapos maging kauna-unahang kampeon ng Eurovision Song Contest Asia 2026 sa Thailand noong Nobyembre 14 gamit ang kantang “Sobra-Sobra.” Nitong Nobyembre 18, muli siyang nagtanghal sa It’s Showtime bitbit ang kanyang tropeo, at kasalukuyan na ring naghahanda bilang espesyal na panauhin sa Eurovision Song Contest 2027 sa Bulgaria.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Designed with WordPress