KEEP YOUR EYES ON THE MISSION – Laparan II

News-Kate

Sa panahon ng modernisasyon kung saan kumakalat na ang paggamit ng Artificial intelligence (AI) makakapagsigurado ba tayong lahat ng impormasyong ating nakakalap ay totoo?

Sa temang “Campus Journalism in the Age of Artificial Intelligence: Upholding Truth, Integrity, and Responsible Storytelling”, isa sa binigyang diin ni Gn. Leo Laparan II sa pagbubukas ng Division Schools Press Conference sa Navotas nitong Septyembre 26, 2026, ay ang nakakabahalang paggamit ng AI sa buhay ng tao.

Aniya, tila isang science fiction pakinggan na ang AI ay naging bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.

Kasama sa paglaganap ng iba’t ibang mga AI app ay ang pagkalat ng mga peke o mga AI generated na mga litrato, videos, music at iba pa o mga gawang AI na mga impormasyon.

Kaya tinanong niya ang mga estudyanteng mamamahayag ” Kung may AI na bakit nandito pa kayong mga mamamayag?”, ika niya, ang kasagutan lamang nito ay ang mga pananagutan ng isang mamamahayag.

Hindi masamang gumamit o humingi ng tulong sa AI, ngunit hindi nito kayang gampanan ang mga pananagutan ng isang mamamahayag—ang mga misyon ng isang mamamahayag.

Misyong maglingkod sa taumbayan, magtawag ng pananagutan ng mga makapangyarihan at tagapagbantay ng demokrasya.

Ang mahalagang armas ng isang mamamahayag ay hindi AI kundi ang kuryusidad na tinatanggi ninyo.

Dahil ang isang mamamahayag ay hindi lamang umiikot sa paglimbang ng mga impormasyon, pag-unawa sa kapwa, pagkilala kung ano ang mahalaga, kung ano ang mga tanong na dapat masagot at ang pag-unawa sa kontekstong nakikita, kundi ito ay ang pagkilala kung ano ang mali at tama.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *