Pagbibigay ng mga pangako—ngunit sa anong kapalit?
Paano natin maisisiguro ang mga magagandang benipisyo ng isang proyekto kapag ang mga nipagkukunan ay ang mismong mga pangangailangan?
Paano natin maisisiguro ang mga magagandang benipisyo ng isang proyekto kapag ang mga nipagkukunan ay ang mismong mga pangangailangan?
Noong Abril ng 16, 2026, pormal na sumanib ang PAX SILICA sa Pilipinas. Isang proyektong United-led coalition na ang pangunahing mga layunin ay ang palakasin ang pandaigdig supply chain para sa semiconductors, artificial intelligence (AI), at mga kritikal na materyales. Itatayo ito ang initial idustial hub sa New Clark City, Tarlac, at inaasahang magsisismula ang initial deployment bago matapos ang 2028 panahon na may bagong administrasyon na ang mamamahala sa pagpapatuloy ng proyekto.
Saad ng mga nagsusulong nito, magdadala ang PAX SILICA ng bilyong bilyong pamumuhunan, makalilikha ng daan-daang libong de-kalidad na trabaho, at magtataas sa antas ng Pilipinas sa pandaigdigang industriya ng teknolohiya.
Kung ito ay maisulong nang maayos, maari itong mag bukas ng mas maraming oportinidad para sa mga Pilipino inhinyero, IT professsionals, researchers, at iba pang highly skilled workers.
Ngunit sa mga bawat proyekto, may mga tanong at negatibong epekto na hindi dapat isantabi.
Sa pag sulong ng PAX SILICA, maaaring lumaki ang demand ng kuryente, singil sa elektrisida, paggamit ng tubig, posibleng malawakang land conversion, at ang epekto nito sa kalikasan at mga kuminidad na maaring maapektuhan ng proyekto.
Upang obhetibong masuri ang PAX SILICA, kailangang timbangin ang mga kapalit ng hindi pagkiloas. Kung sakalinng tumigil o kanselin ang Luzon Economic Corridor, ang mga unang makikinabang ay hindi mga manggagawang Pilipino o mga local na kuminidad, kundi ang mga panlabas na partido na may malalim na interes at kumikita mula sa kasalukuyang kalagayan.
Una, kung mauudlot ang koridor, mananatili ang Pilipinas sa pagluluwas ng hilaw na mineral tulad ng nickel sa China, kung saan napupunta ang malaking kita sa pagpoproseso nito habang naiiwan sa atin ang mababang pasahod at sirang kalikasan.
Pangalawa, mas mapag-iiwanan tayo ng mga karatig-bansa sa ASEAN tulad ng Vietnam, Malaysia, Singapore, at Indonesia na agresibong nagpapalakas ng kanilang high-tech at lokal na industriya upang makaakit ng malalaking mamumuhunan.
Kung walang mga proyektong tulad ng Luzon Economic Corridor, mananatiling umaasa ang Pilipinas sa OFW remittances at hindi uunlad ang ating lokal na industriya—na siyang pangunahing susi para makapagbigay ng mas maayos na serbisyong pampubliko.
Dahil ang tunay na kaunlaran ay hindi lamang nasusukat sa dami ng pamumuhunan o trabaho, kundi sa kakayahan nitong pangalagaan ang kalikasan, igalang ang mga komunidad, at mag-iwan ng mas ligtas at mas maunlad na kinabukasan para sa susunod na henerasyon.
Mabubuhay tayo nang walang PAX SILICA pero mabubuhay kaya tayo o ang mga darating na henerasyon kung wasak na ang kalikasan?
