MALINIS NA KARTADA!
NXELD, Dinurog ang Creamline
PASIG CITY- Pinatunayan ng NXELD Chameleons na sila ang koponang dapat talunin sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference matapos nilang pataubin ang powerhouse na Creamline Cool Smashers sa loob ng apat na set, 25-20, 12-25, 25-21, 25-20, noong Martes, Nobyembre 17, sa PhilSports Arena.
Dahil sa panalong ito, nananatiling malinis at walang bahid ng dungis ang kartada ng Chameleons sa 7-0, habang napalakas din ang kanilang tsansa para sa twice-to-beat advantage sa nalalapit na semifinals.
Naging matatag ang simula ng NXELD sa unang set at hindi na hinayaang makalamang pa ang Creamline upang kunin ang 25-20 na panalo, kahit pa naglaro silang wala ang pangunahing scorer na si Jonah Sabete-Escamillan.
Bumawi naman ang husto ang Cool Smashers, na naglaro ring wala ang kanilang star spiker na si Jema Galanza dahil sa stiff neck, sa ikalawang set sa pangunguna nina Michele Gumabao at Bernadeth Pons upang tambakan ang NXELD, 25-12, at itabla ang laban.
Naging dikdikan at puno ng tensyon ang ikatlong set na nagtala ng 11 deadlocks, ngunit sa tulong ng mahusay na playmaking ni setter Gel Cayuna at s amabilis na atake ng middle blockers na sina MJ Philips at Jackie Acuna, nakawala ang Chameleons sad ulo upang agawin ang set, 25-21.
Sa ikaapat na set, lumamang pa ang Creamline sa second technical timeout (16-13) subalit nagpakawala ang NXELD ng isang matinding 11-2 finishing run upang tuluyang selyuhan ang panalo.
Tinanghal na Player of the Game si Gel Cayuna dahil sa kanyang napakahusay na ball distribution, habang nanguna sa opensa ng NXELD si team captan Brooke Van Sickle na tumapos ng 19 puntos kabilang ang match-winning point.
Sa pagkatalong ito, nalasap ng Creamline ang kanilang ikatlong sunod na kabiguan at kinakailangan na nilang maipanalo ang huli nilang laro kontra Farm Fresh Foxies sa Nobyembre 21 upang makasiguro ng tiket sa semifinals, habang haharapin naman ng NXELD ang Zus Coffee sa parehong araw upang tangkaing walisin ang preliminary round.
