Pinay singer Carmelle Collado naiuwi ang kauna-unahang tropeyo ng Eurovision Asia 2026 nitong Nobyembre 14, 2026

DUGONG BICOLANA: CARMELE COLLADO, PINAKITA ANG TALENTONG PILIPINO SA BUONG MUNDO

AKLAN,Philippines-Nagsimula sa isang munting pangarap na maipakita ang sariling talento sa buong bansa hanggang sa pagbigay ng karangalan sa bansa.

Sa ginanap ng Eurovision Asia 2026, isang international live-broadcast song contest, winagayway ni Carmelle Collado, 19-anyos na dalaga mula sa probinsya ng Bicol ng buong puso ang bandera ng Pilipinas.

Ayon kay Carmelle, hindi naging madali ang paghahanda para sa kompetisyon, aniya “I focused more on workout to improve my stamina dahil pinagsasabay ko ang singing at dancing”.

Si Carmelle ay nakilala bilang bahagi ng Kamp Kawayan sa The Voice Kids: Season 4 at bilang kampeon sa Tawag Ng Tanghalan:The School Showdown 2025 isang singing kompetisyon ng It’s Showtime.

Dagdag pa ni Carmelle sa isang pahayag sa TV5 News, na ang Eurovision song contest ay isang opurtunidad upang mas makilala ang OPM (Original Pilipino Music).

Masasabing “PASABOG” na pagtatanghal ang naging performance ni Carmelle Collado sa pagkanta ng “Sobra-sobra” na orihinal sa gawa nina Nica del Rosario at Mat Oladives dahilan upang masungkit ang tagumpay laban sa 10 pang mga bansa na lumahok.

Si Carmelle Collado ay ang tinaguriang kauna-unahang panalo ng Eurovision Asia gayunpaman unang Pilipino na lumahok at nagbigay ng isang karangalan sa bansa.

Ang Eurovision Song Contest ay isa sa pinakamalaking live international song competition sa buong mundo at ito ang kauna-unahang Eurovision song contest na ginanap na asya na nilahukan ng 11 na mga bansa.

Designed with WordPress