GROWLING TIGERS PINALAGPAS ANG BLUE EAGLES,WAGI SA UAAP SEASON 89 CLASH

Isang mainit at kapana-panabik na laban ang nasaksihan ng mga tagahanga ng UAAP sa paghaharap ng UST Growling Tigers  at Ateneo Blue Eagles noong Nobyembre 15, 2026.

Ang sagupaan na ito sa UAAP Season 89 Men’s Basketball ay nagdala ng matinding  aksyon at emosyon sa bawat sandali ng laro.

Mula pa lamang sa pagtunog ng unang huni, makikita na ang determinasyon ng parehong koponan na makuha ang mahalagang panalo para sa kanilang kampanya.

Mula sa unang posisyon, agad na ibinuhos ng UST Growling Tigers ang kanilang opensa sa pangunguna ni Collins Ako.

Si Ako ay nagbalik sa starting lineup matapos hindi mailista sa kanilang nakaraang laro laban sa UE, at agad niyang pinatunayan ang kanyang halaga sa loob ng shaded area. Ang kanyang pisikal na laro at depensa ay nagbigay ng maagang bentahe para sa koponan ng Espana.

Hindi naman nagpahuli ang Ateneo Blue Eagles sa pagbubukas ng kwarter. Si Carl Manding, na nagmula sa bench, ay nagbigay ng mabilis na spark sa pamamagitan ng kanyang mga fast break layup at matalinong paggalaw sa korte.

Sinundan pa ito ng mainit na kamay ni Travis Roberts mula sa labas ng arko, na nagpasiklab sa opensa ng Blue Eagles upang dikdikin ang laban.

Sa pagpasok ng ikalawang yugto, nagpatuloy ang palitan ng basket sa pagitan ng dalawang koponan. Si Jared Bahay ay nagsimulang uminit para sa Ateneo sa pamamagitan ng kanyang mga mid-range pull-up at matatalinong pasa.

Gayunpaman, patuloy na nanindigan ang UST sa pamamagitan ng mahusay na koponan at pagpasa na nagbigay-daan upang muling maagaw ang momentum bago matapos ang unang kalahati.

Pagpasok ng third quarter, dito na nagsimulang kumalas ang Growling Tigers. Sa pamamagitan ng mahigpit na depensa at mabilis na transition offense, pinalobo ng UST ang kanilang kalamangan sa pinakamataas na 15 puntos, 69-54.

Ang krusyal na rim protection at malalakas na dunk ni Collins Ako sa quarter na ito ay nagpatigil sa mga opensiba ng Ateneo.

Subalit, ang Ateneo ay kilala sa kanilang katatagan at hindi madaling nag-aakala ng pagkatalo.

Sa ikaapat na quarter, naglunsad ang Blue Eagles ng isang malakas na 9-0 run sa pamumuno nina Jared Bahay, Wacky Espina, at Shawn Tuano.

Ang sunod-sunod na tres at mabilis nap ag-atake ay mabilis na nagpaliit sa kalamangan ng UST, kaya naman naging napakinit at tensyonado ang huling tatlong minuto ng laro.

Sa mga kritikal na sandal na ito, lumitaw ang katatagan ng UST sa pangunguna ni Mark Lemit. Sa kabila ng pagbaba ng lamang, si Lemit ang kumana ng mga mahahalagang puntos, kabilang ang isang krusyal na tres at lay-up na tuluyang sumira sa ratsada ng Ateneo at nagbalik ng komportableng bentahe para sa Growling Tigers.

Ang huling mga Segundo ng laro ay kinakitaan ng matinding depensa mula sa magkabilang panig habang sinusubukan ng Ateneo na humabol  sa pamamagitan ng mga tres nina Bongo at Bahay.

Ngunit naging sapat ang naging kalamangan ng UST upang mapanatili ang kanilang panalo hanggang sa pagtunog ng final buzzer.

Sa pangkalahatan, si Mark Lemit ang nanguna sa UST na may 18 napakahalagang puntos, habang nag-ambag din ng nang malaki si Collins Ako sa ilalim ng basket. Sa panig ng Ateneo, nagpakita rin ng magandang laban sina Jared Bahay at Travis Roberts, ngunit sa huli ay nanaig ang determinasyon at tibay ng UST Growling Tigers upang masungkit ang tagumpay sa UAAP Season 89.

Designed with WordPress