SEC.CACDAC: NATUMBOK MO ANG ISANG PINAKAMAHALAGANG LARANAGAN

AKLAN,Philippines—Umabot sa humigit kumulang 859 na mga Filipino Migrant workers ang nasagip ng ahensiya ng Pilipinas mula Myanmar matapos ma-recruit sa mga scam hubs/scam farms.

Sa nagdaang press briefing na ginanap sa Malacañang Palace nitong ika-15 ng Nobyembre 2026 pinaliwanag ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, patungkol sa isyu ng mga Filipino migrant workers na biktima ng mga illegal recruiters upang ipagtrabaho sa mga scam hubs.

Ani ni Sec. Cacdac sa pamamagitan ng deklarasyon para sa mga migrant workers, siguradong mas titingkad pa ang kooperasyon ng Pilipinas sa ASEAN Member States kaugnay sa mga OFW na humarap sa mga sitwasyon na katulad ng napapasok sa mga scam hubs, dahil dito nagkaroon ng  koopersyon sa ASEAN upang masugpo itong mga scam hubs at para matulungan itong mga OFW na nasasangkot sa ganitong klaseng trabaho ay mas pina-igting pa ang pagtulong sa kanila.

Kaya sa kung sakaling magkaroon man ng mga OFW na masangkot uli sa ganitong sitwasyon, mayroon tayong mga rescue, repatriation, kooperasyon with regards to legal actions at pagbibigay ng welfare services, dagdag pa ni Sec. Cacdac.

Ang Department of Migrant Workers (DMW) ay may mga paraan na nakahanda upang masugpo ang mga promlema na kinakaharap ng mga migrant workers.

Designed with WordPress