KAKAIBA ANG GEHLEE EFFECT!
Gehlee Dangca-tampok ang kanyang debut solo single na “Closer” na inilibas noong Oktobre 2026 sa ilalim ng Universal Records Philippines. Dahil sa malakas na suporta ng kanyang mga tagahanga, nakapagtala na ang kantang ito ng mahigit 9.8 milyong streams at halos 3 milyong monthly listeners, kaya naman pumasok ito sa Top 10 ng Spotify Philippines.
Bukod sa kanyang solo release, mapapakinggan din sa Spotify ang kanyang mga naunang kanta kasama ang K-pop group na UNIS at mula sa survival show na Universe Ticket sa kani-kanilang opisyal na artist pages.
Ngunit sa mga likod ng ito, nakatago ang bawat sakripisyo at matinding disiplina. Kung malakas ang boses kapag hawak ang mikropono, mas malakas ang impak ng mga aksyon ng sakripisyo.
Ipinanganak si Gehlee Gimena Dangca sa Las Pinas, kalakhang Manila noong 19 Agosto 2007. Siya ay may dalawang kapatid na lalaki. Siya ay nag-aral sa San Beda College Alabang at St. Paul College Pasig.
Nagsimulang lumahok si Gehlee sa mga patimpalak ng kagandahan at pagmomodelo noong siya ay 12-taong gulang. Noong 2022, nagwagi siya bilang Miss Republic Continent-Charity Queen International sa isang paligsahang ginanap sa Bulacan.
Nag-debut si Dangca bilang sub-vocalist at visual ng grupong Unis noong 27 Marso 2024, sa pamamagitan ng mini-album na We UNIS. Nagwakas ang mga gawain ng grupo matapos magtapos ang kanilang kontrata noong Setyembre 2026.
Sa parehas na taon, umuwi siya ng Pilipinas upang makapag simula ng bagong career. Ginawa niya ang kanyang solo debut noong Oktubre 23, 2026, gamit ang digital single sa wikang Ingles na “Closer”.
Si Gehlee Dangca, ay kilala na bilang “Ang Darling K-Pop Idol ng Las Piñas,” ay kasalukuyang housemate sa Pinoy Big Brother: Collab 3.0.
Sa loob ng Bahay ni Kuya, hinahangaan siya hindi lamang dahil sa kanyang poise mula sa pageantry kundi pati na rin sa kanyang talento sa musika—kabilang ang pagpe-perform ng kanyang single na “Closer” at pagsusulat ng mga kantang tulad ng “Lullaby” kasama si Ethan Benares at isa pang awitin na inspirado ni Jeo Ong—habang patuloy na nagpapakita ng magandang pakikisama at pamumuno sa gitna ng pagpasok ng mga bagong housemates.
