LAYUNIN NG ASEAN MEMBER STATES AT STAKEHOLDERS, TINALAKAY SA PRESS BRIEFING
AKLAN,Philippines—Sa pagbubukas ng 49th ASEAN Summit—Malacañang nagsagawa ng Press Briefing ngayong Nobyembre 15, 2026 kasama sina Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro at Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, upang talakayin ang mga layunin na nais bigyan ng pansin ng ASEAN Stakeholders.
Unang binigyang pansin ni Sec. Cacdac ang pagpapatibay ng proteksiyon at tulong para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) o mga migrant workers at ang pagdeklara nito, aniya ang pagdeklara nito ay sumailalim sa mga konsultasyon kasama ang ASEAN member state at stakeholders.
Binubuo ito ng anim na mga layunin:
- Maging transparent at responsable ang mga recruitment agencies.
- Maiwasan ang labis na singil sa recruitment.
- Pantay-pantay na opurtunidad sa trabaho.
- Higpitan ang mga regulasyon sa recruitment agencies.
- Bigyan ng proteksiyon at hustisya ang mga manggagawa. at;
- Palakasin ang pagtutulungan ng mga bansa.
Ang pagdeklara ng mga layunin na ito ay magbibigay ng malaking tulong para sa mga migrant workers dahil magkakaroon na sila ng mga sapat na proteksiyon at karapatan kung sakaling masangkot sa mga seryosong usapin.
