SAPAT NA BA ANG LAPTOP?

Sa patuloy na pag-usbong ng mga hamon sa sektor ng edukasyon, ma pa tungkol sa paaralan, pasilidad, pagbaba ng literacy ng mga mag-aaral, kakulangan sa mga educational resources at hindi na sapat sa pasahod para sa mga guro. Sapat na ba ang pagbigay ng laptop para masugpo ang lahat na ito?

Umabot sa 231,000 na mga laptops ang binahagi ng Department Of Education ( Deped)—172,654 Apple Macbook Neo at 62,717 Windows-based units—para sa mga guro at administrative officers ng pampublikong paaralan ngayong  buwan, ayon sa Philippine Information Agency, ngunit ang tanong ay makakapagpapabago ba ang laptop sa mga hamon sa hinarapan ng mga guro. Mapapataas ba nito ang literacy ng mga Pilipinong mag-aaral. Ayon sa kasalukuyang mga datos ng 2024 Functional Literacy, Education, and Mass Media Survey (FLEMMS) na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang Pilipinas ay 90.0% sa Basic Literacy Rate at 70.8% sa Functional Literacy Rate.

Bagama’t mas mababa ang mga datos na ito kompara noong 2019, ngunit dahil ito sa paglabas ng PSA ng bagong panuntunan upang mas makatutuhanan ang mga  datos, dahil dito mas mukhang bumaba ang mga datos sa literacy.

Ang pagbigay ng DepEd ng mga laptop para sa mga guro ay posibleng makatulonng sa pagbago ng mga datos ng literacy dahil ang mga guro ay may sapat ng mga kagamitan para sa mga mag-aaral na gamitin, makakabuo ng mga epektibong mga leksiyon na maaring maging sapat  upang makapagpapabago ta makapagpapa-unlad sa literacy ng mga mag-aaral.

Ang laptop din ay hindi lang makatutulong para sa mga mag-aaral kundi sa mga guro mismo dahil madami paring mga guro ang walang mga laptop o sapat na  kagamitang pangturo kaya ito ay isang malaking tulong para sa kanila.

Ang  edukasyon ay isang mahalagang sektor sa bansa kaya dahil tuunan natin ito ng pansin dahil sa edukasyon ng bawat kabataan at mamamayan  nakasalalay ang kinabukasan ng ating bansa.

Designed with WordPress